Home METRO P3.3M shabu nasamsam sa babaeng tulak

P3.3M shabu nasamsam sa babaeng tulak

106
0

BACOLOD CITY- Balik-selda ang isang ginang na notoryus na tulak ng iligal na droga matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operation, iniulat kahapon.

Kinilala ni Police Lt. Col. Antonio Benitez Jr., hepe ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), ang suspek sa pangalan Danilyn, 33, high-value individual, at nasa ilalim ng probation na may kinalaman sa kapareho nitong kasi.

Sa report ng Bacolod City Police Office, nadakip ang suspek sa isinagawang buy bust operation noong Oktubre 19, 2024 sa Purok Tangkong, Barangay 7, ng naturang lungsod.

Nakuha sa suspek ang 475 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P3.3 milyon; P2,000 marked money, digital weighing scale, at P300.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here