MANILA, Philippines – Paulit-ulit nang binalaan ng mga awtoridad ang nawawalang American national na iwasan ang ilang lugar sa Zamboanga.
Ayon kay Zamboanga Peninsula Regional Police Office spokesperson, Lt. Col. Helen Galvez, ilang beses nang binalaan si Elliot Onil dahil sa mga insidente ng pagdukot sa munisipalidad ng Sibuco, Zamboanga del Norte, at mga kalapit na bayan.
Matatandaan na si Eastman ay dinukot din sa kaparehong lugar noong nakaraang linggo.
“Perhaps, first of all, what we observed is his vulnerability. Because despite warnings from our local police that he should not stay in the area, he still insisted on staying. That area is very near the sea,” ani Galvez sa panayam ng DWPM.
Naging vulnerable din umano sa mga dumukot ang pagba-vlog ni Eastman.
“According to our local police, they repeatedly warned him but he really wanted to stay, he kept on going back to the area while vlogging the locality where he was in,” dagdag ni Galvez.
Sinabi rin ng opisyal na sa ngayon ay wala pa silang naitatalang proof of life para kay Eastman.
Noong Huwebes, Oktubre 17 ay iniulat ng mga awtoridad na apat na armadong kalalakihan ang pwersahang dumukot kay Eastman mula sa bahay nito at binaril pa umano sa hita nang magpumiglas ito.
Itinakas si Eastman sakay ng isang bangka.
Lumahok na ang US Federal Bureau of Investigation sa paghahanap kay Eastman. RNT/JGC