Home ENTERTAINMENT Diwata, naglinis sa Manila bay, inokray!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Diwata, naglinis sa Manila bay, inokray!October 21, 2024 13:561270 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa halip na umani ng papuri, nakatikim pa ng pang-ookray si Diwata sa ginawang paglilinis ng Manila Bay.Sa isang video na viral na ngayon, makikita ang kontrobersyal na may-ari ng paresan na namumulot ng mga basura doon.Ibinubukod niya ang mga basurang puwede pang pagkakitaan o pakinabangan.‘Yun nga lang, what Diwata thought was a noble gesture ay iba ang pakahulugan ng maraming netizens.Obyus nanan daw kasing nagpapa-impress si Diwata lalo’t tumatakbo bilang ikaapat na nominee ng Vendors’ partylist sa Kongreso.Dati na naman daw nagkalat ang mga basura sa Manila Bay, bakit ngayon lang niya ito naisip?Mas mabuti raw na unahin ni Diwata na linisin ang kanyang mismong paresan.Or kung hindi naman ay mas mag-concentrate na lang daw siya sa kanyang negosyo.Mukha namang bago pa man naglunsad ng kanyang sariling clean-up drive si Diwata sa Manila Bay ay in-anticipate na niya ang pang-ookray sa kanya.Pero hindi pa rin ito natinag.But come to think of it, ang partylist namang nire-represent niya’y tungkol sa kalagayan ng mga vendors.Ano’t naging pro-environment ang peg niya bigla?Doon pa lang daw ay halatang strategy lang ni Diwata ang pakitang-taong pagmamalasakitkuno sa Manila Bay.Ano kaya ang reaksyon ng maligned congressional candidate na ito?Tandaan mo, Diwata, less talk, less mistakes!Kaya hangga’t maaari, wa ka na lang talk! Ronnie Carrasco III