Home NATIONWIDE Mas mataas na minimum wage sa Ilocos Region, aprubado na – DOLE

Mas mataas na minimum wage sa Ilocos Region, aprubado na – DOLE

169
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P33 na dagdag sa daily minimum wage sa Region 1 sa susunod na buwan.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), kinilala ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang Wage Order No. RB 1-23 noong Oktubre 16, na nagpapataas sa minimum wage sa P435 para sa agriculture sector at non-agriculture sector na may empleyadong mas mababa sa 10, at P468 para sa non-agriculture sector na may mahigit 10 empleyado.

Iiral ang desisyon sa Nobyembre 7, 2024, o araw matapos ang anibersaryo ng RTWPB.

Huling nag-isyu ng wage orders ang board para sa mga manggagawa sa pribadong establisyimento at domestic workers sa rehiyon noong Nobyembre 6, 2023.

“The new rates for workers in the private sector translate to an 8% increase from the prevailing daily minimum wage rates in the region and result in a comparable 12% increase in wage-related benefits covering 13th-month pay, service incentive leave (SIL), and social security benefits such as SSS, PhilHealth, and Pag-IBIG,” ayon sa DOLE.

Inaprubahan din ng RTWPB ang P500 dagdag sa buwanang minimum wage ng mga kasambahay. Dahil dito ay tumaas sa P6,000 ang kanilang buwanang sahod.

Anang DOLE, direktang makikinabang sa wage order ang nasa 170,143 minimum wage earners at indirectly benefit ang 349,112 full-time wage at salary workers.

Nasa 99,024 kasambahay din sa rehiyon ang magbebenepisyo rito.

Noong Mayo, sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na ilang regional wage boards na ang nagsimulang suriin ang kanilang mga wage orders kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na busisiin ang minimum wage rates sa bawat rehiyon.

Ani Laguesma, inaasahang matatapos ng lahat ng RTWPB sa buong bansa ang kanilang pagsusuri sa minimum wage bago matapos ang taon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here