Home NATIONWIDE Chinese suspect sa Makati resto shooting, isang ‘undesirable alien’ – PNP

Chinese suspect sa Makati resto shooting, isang ‘undesirable alien’ – PNP

106
0

MANILA, Philippines – Maituturing na undesirable alien na sangkot sa iba pang mga kriminal na kaso ang Chinese na suspek sa pamamaril-patay sa kapwa Chinese sa isang kainan sa Makati City.

“It appears po na undesirable alien po ito. In fact, na-cancel na po yung passport nito,” sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo nitong Lunes, Oktubre 21.

Idinagdag pa ni Fajardo na ang suspek ay sangkot sa carnapping noong 2022 at may rekord ng mas marami pang kaso sa China.

“Ito pong suspek ay dati nang na-involve sa carnapping sometime in Year 2022. Na-file-an siya ng kaso subalit nakapag-bail po. It appears po based sa operational research ay dati na ring may record ito sa China na na-involve sa ibang mga kaso.”

Matatandaan na binaril-patay ng suspek na Chinese ang 29-anyos na biktima sa isang private room ng restaurant noong Oktubre 17.

Pinaputukan ito ng apat na beses dahilan para tamaan ito sa kamay, braso at dibdib na sanhi ng kamatayan nito.

Nakatakas naman ang suspek kasama ang iba pang indibidwal sakay ng getaway vehicle.

Ani Fajardo, ang dalawang Chinese ay mag-business partner na nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaril. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here