Home METRO Higit P500M pekeng Louis Vuitton, nasamsam sa Cebu

Higit P500M pekeng Louis Vuitton, nasamsam sa Cebu

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit kalahating bilyong halaga ng mga pekeng Louis Vuitton products sa operasyon ng National Bureau of Investigation sa ilang tindahan sa Mandaue City, Cebu.

Ayon sa NBI, illegal na taglay ng P528,883,755.33 halaga ng produkto ang trademark ng luxury brand.

Kabilang sa mga nasamsam na produkto ay 2,826 wallets, 1,718 bags, 263 belts, 115 keychains, 55 piraso ng luggage, 40 scarves, 36 card holders, 32 shoes, 30 earrings, 10 sumbrero, siyam na perfume, siyam na medyas, walong straps, limang shirts, tatlong makeup brushes, tatlong tumblers, at dalawang ready to wear dresses.

Maaaring masampahan ng kaso sa ilalim ng Intellectual Property Code of the Philippines ang mapatutunayang nagbebenta ng mga pekeng produkto.

Ang Louis Vuitton ay isang French brand kung saan ang mga bag ay nagkakahalaga ng mahigit P150,000 pataas. RNT/JGC