Home ENTERTAINMENT Kris, wala raw planong pakasalan ang bagong BF!

Kris, wala raw planong pakasalan ang bagong BF!

161
0

Manila, Philippines – Wala ba sa mga katangian ni Dr. Michael Padlan ang ideal husband ni Kris Aquino?

Ito kasi ang namumuong obserbasyon ng mga taong higit na nakakakilala kay Kris.

Ibinase nila ito sa nakasanayan nang ugali ni Kris pag masaya ang kanyang lovelife.

Si Dr. Padlan ang kasama ng mag-inang Kris at Bimby nang umuwi sa bansa nitong September.

Malaki ang kumpiyansa ni Kris sa famous doctor from Makati Medical Center kaugnay ng kanyang health condition.

Nakapagtataka nga lang na walang gaanong posts si Kris sa kanyang mga social media accounts tungkol sa mga ganap nila ni Dr. Padlan na maaaring i-share.

This is very untypical daw of Kris judging from how proud she was of the men she got involved with in the past.

Ginamit na halimbawa ng mga showbiz observers si Herbert Bautista na dating na-link kay Kris.

In fairness though to Dr. Padlan, as far as Kris is concerned ay ‘di hamak na mas lamang ito kesa kay Batangas Vice Governor Marc Leviste.

Ito’y bagama’t binalak ni Marc ang kanilang pag-iisang-dibdib ni Kris–which was a choice between his or her birthday.

December ang birthmonth ni Marc while February naman si Kris.

Asang-asa pa naman ang mga supporters ni Kris na sa kasalan mauuwi ang sa kanila ni Dr. Padlan dahil wala nang legal impediments ang maaaring humarang. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here