Home NATIONWIDE 408 illegal vape retailers huli ng BIR

408 illegal vape retailers huli ng BIR

191
0

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 408 vape retailers at resellers sa iba’t ibang lugar sa bansa ang natukoy ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagbebenta ng illegal vape products.

“The BIR nationwide raid against illicit vape retailers last Oct. 16 shows our aggressive stance against illicit vape,” saad sa pahayag ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. nitong Lunes, Oktubre 21.

Ang mga nahuling retailers at resellers ay mula sa Manila, Quezon City, San Juan City, Makati City, Las Piñas City, Pasay City, Bulacan, Pangasinan, Benguet, Isabela, Laguna, La Union, Albay, Iloilo, Cebu, Bohol, Leyte, Bukidnon, Misamis Oriental, Surigao del Norte, Butuan, Agusan del Sur, South Cotabato, Davao, Negros Occidental, Negros Oriental at Ilocos Sur.

Karaniwang mga paglabag ay ang kawalan ng internal revenue stamps at kakulangan ng BIR registration para sa vape products.

Nagpapatuloy pa ang imbentaryo sa dami ng mga vape product na nasamsam sa mga operasyon.

Matapos ang nationwide raid, ipinag-utos ni Lumagui sa mga ahente ng BIR na magsagawa ng weekly surveillance at raid sa mga illicit vape retailers.

Bago ang simultaneous BIR operation, nagsagawa ang revenuers ng surveillance ng vape retailers sa kani-kanilang nasasakupang rehiyon at distrito.

Dahil sa mga ganitong aktibidad ay tumaas ang revenue collections sa unang siyam na buwan ng 12.13% sa P2.08 trillion, o katumbas ng 68.2 percent ng P3.05-trillion target ngayong taon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here