Home METRO Bangkay ng babae, hinukay saka ginahasa

Bangkay ng babae, hinukay saka ginahasa

207
0

CEBU CITY-WALANG saplot pang ibaba at nakapatong na sa itaas ng nitso ang bangkay ng 22-anyos na babae matapos hukayin at hinihinalang ginahasa ng hindi pa kilalang suspek, iniulat kahapon, Oktubre 21 sa lungsod ng Carcar.

Ayon kay Police Lt. Col. Bryan O’Neil Salvacion, hepe Carcar City Police Station, bandang 7:00 AM natagpuan ang bangkay ng biktima na nasa labas na ng kabaong at walang saplot sa loob ng Ocaña Public Cemetery sa Barangay Ocaña, ng nasabing lungsod.

Kwento ng kaanak, inilibing ang biktima na itinago sa pangalan Chloe, noong Oktubre 19, 2024, matapos magkaroon ng eclampsia sa panganganak nito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center noong Setyembre 11, 2024 subalit binawian din ng buhay noong Oktubre 9, 2024.

Sinabi ni Salvacion mayroon na silang person of interest na may posibleng may kakayahan na maghukay ng kabaong ng biktima.

Hinihintay na rin ng mga awtoridad ang resulta ng laboratoryo para mapatunayan kung ginahasa ang biktima at posibleng maharap sa kasong necrophilia ang suspek.

Hustisya naman ang sigaw ng pamilya dahil sa ginawang pambababoy sa bangkay ng biktima at naniniwala silang ginahasa ito. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here