Home NATIONWIDE DA sa mga magsasaka: Mga tanim anihin na bago mag-landfall si Kristine

DA sa mga magsasaka: Mga tanim anihin na bago mag-landfall si Kristine

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) nitong Lunes, Oktubre 21 sa mga magsasaka at mangingisda na anihin na ang kanilang mga pananim bago pa man mag-landfall ang Tropical Depression Kristine.

Sa abiso, sinabi ng DA sa mga magsasaka at mangingisda na anihin na ang mga mature crops at gamitin ang post-harvest equipment at mga pasilidad. Dagdag pa nito, pinaghahanda na rin ang mga magsasaka na ilipat ang kanilang mga makinarya, at iba pang kagamitan patungo sa matataas na lugar.

Inabisuhan din nito ang mga magsasaka na magtago ng mga punla, planting materials, at iba pang farm inputs patungo sa mga ligtas na lugar.

Pinalilinis din ang mga irigasyon at palayan, at siguruhin ang sapat na pagkain at tubig sa mga ililikas na hayop.

Sa ulat, inaasahang lalakas bilang isang bagyo ang Tropical Depression Kristine sa mga susunod na oras at posibleng mag-landfall sa hilagang Luzon pagsapit ng Huwebes. RNT/JGC