Home METRO 2 nasagip sa tumaob na bangka

2 nasagip sa tumaob na bangka

129
0

ZAMBOANGA CITY- Nasagip ng Philippine Coast Guard-Isabela Station ang dalawang indibidwal matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa karagatan ng Lampinigan Island, Isabela City, Basilan nitong Lunes.

Agad naglunsad ang PCG ng rescue operations at nag-deploy ng response team sakay ng HSRB-027 matapos mapag-alaman ang insidente.

Namataan ng PCG ang tumaob na bangka at nasaklolohan ang dalawa nitong pasahero, ang 20-anyos na si Junaid Maliki at 21-anyos na si Badar Maliki.

Base sa dalawang pasahero, patungo sila sa Lampinigan Island sakay ng bangkang may kargang 30 galon ng tubig nang tumaob ang bangka nila dahil sa malakas na alon.

Hinila ang bangka patungo sa dalampasigan ng Barangay Riverside sa Isabela City habang ang mga pasahero ay dinala sa City Disaster Risk Reduction Management Office ng Isabela para sa disposisyon.

Isinailalim sila sa medical checkup at idineklarang nasa maayos na pisikal na kondisyon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here