Home METRO Rumesponde sa holdapan, pulis sapul sa ulo dedo!

Rumesponde sa holdapan, pulis sapul sa ulo dedo!

196
0

MANILA, Philippines- Patay ang isang pulis na kasama sa mga rumesponde sa nangyaring panloloob sa STM supermarket matapos siyang mabaril sa ulo ng mga hindi kilalang kawaan sa Barangay Poblacion 1 sa Peñaranda, Nueva Ecija.

Base sa report na ipinarating kay Nueva Ecija acting provincial director,  Police Col. Ferdinand D. Germino, nangyari ang insidente, bandang alas-12:16 ng madaling araw nitong Linggo.

Bago ito, nakatanggap ng report ang mga awtoridad sa nangyayaring panloloob ng mga hindi pa kilalang suspek sa nasabing establisimiyento.

Agad na rumesponde ang mga pulis pero pagdating sa lugar ay agad silang pinatukan ng mga suspek at nasapul sa ulo ang biktimang si PSSG. John V. Espino, 45, residente ng Barangay Mapalad, Sta Risa, Nueva Ecija.

Sinubukan pang isugod sa Good Samaritan Hospital sa Gapan City ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang patuloy na tinutugis ang mga nakatakas na holdaper.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Peñaranda, maituturing na isolated case ang nangyari pero nakalulungkot dahil miyembro pa puylisya ang namatayi.

Hiling ng LGU at nang mga kaanak ng biktima na sanay agad na mahuli ang mga suspek para mabigyan ng katarungan ang biktima.

Tumanggi munang magbigay ng anumang pahayag ang pulisya ukol sa insidente. Marina G. Bernardino

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here