Home METRO NAIA Terminal 3 nasapul ng baggage system glitch

NAIA Terminal 3 nasapul ng baggage system glitch

MANILA, Philippines- Daan-daang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang tinamaan ng “bag delay glitch” matapos magloko ang baggage handling system ng nasabing terminal noong Martes ng hapon.

Sinabi ng Cebu Pacific na 821 bag sa mga flight nito ang tinamaan ng system glitch.

“We are working closely with the New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) which is also exerting every effort to resolve the technical challenges as quickly as possible and restore normal operations,” pahayag ng Cebu Pacific.

Ayon sa nabanggit na carrier, nagtayo ito ng isang team na nakatuon upang pamahalaan ang sitwasyon at binigyan ang mga pasahero ng pagpipilian na magkaroon ng mga apektadong bag na ihahatid sa kanilang destinasyon o kunin sa airport para sa mga domestic flight.

“For international flights, a similar option was available along with delivery services for passengers with onward destinations. Our teams are doing everything in their power to expedite baggage deliveries and ensure all affected passengers are assisted promptly,” ayon pa sa Cebu Pacific.

Samantala, sinabi ng NNIC na nakikipagtulungan ito sa Cebu Pacific upang matiyak na ang mga contingency measures ay epektibong tumutugon sa nasabing aberya.

“To minimize the impact on travelers, both NNIC and Cebu Pacific have increased manpower to expedite baggage processing. Additionally, alternative systems and protocols have been activated to resolve the issue as swiftly as possible,” ayon sa NNIC.

“NNIC has already procured a new, advanced system, with additional redundancy measures set to be implemented to prevent future disruptions and enhance operational efficiency,” dagdag pa ng NNIC. JAY Reyes