Home NATIONWIDE 173K pamilya apektado ng M-7.8 Mindanao earthquake – OCD

173K pamilya apektado ng M-7.8 Mindanao earthquake – OCD

2
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Office of Civil Defense (OCD) na umabot na sa kabuuang 173,000 pamilya ang naapektuhan ng Magnitude 7.8 earthquake na tumama sa Southern Mindanao, noong Hunyo 8.

“As of 9 a.m. araw ng Linggo, Hunyo 14, makikita sa pinakabagong update ng OCD na may 173,000 pamilya o 724,000 katao ang apektado ng malakas na pagyanig na tumama sa may baybayin ng Sarangani.

May kabuuang 5,200 aftershocks na may lakas na Magnitude 1.2 hanggang 6.4 ang naitala, 1,307 sa nasabing bilang ang plotted at 76 naman ang naramdaman.

Umabot naman sa 61 katao ang naitalang nasawi kung saan 54 ay mula sa Region 12 at
7 naman ay mula sa Region 11.

Ang mga nasugatan ay umabot sa 1,403, kung saan 1,356 mula sa Region 12, 46 mula sa Region 11 at isa naman mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa kasalukuyan, may 40 katao ang napaulat na nawawala: 22 sa Region 11 at 18 sa Region 12.

Mayroon naman na 10,000 katao ang na-displaced ng lindol.

Mahigit naman sa 1,000 pamilya sa Barangay Lagao, General Santos City ang nawalan ng tahanan.

Pagdating sa pinansiyal na usapin, ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ay P1 billion.

Sa pamamagitan ng pag-inspeksyon, nadetermina ang halaga ng pinsala sa imprastraktura na may 725, kung saan 9,900 na mga bahay. Ang partially damaged na bahay ay umabot sa 44,100.

Idineklara ang State of Calamity sa 13 munisipalidad at lungsod.

“The power supply of hospitals affected by the magnitude 7.8 earthquake in Mindanao has been restored,” ayon sa Department of Energy (DOE).

Sinabi ng OCD na may P67.6 milyong halaga ng tulong ang naibigay sa mga apektadong pamilya. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here