ZAMBOANGA DEL NORTE- Naglaan ng halagang P150,000 ang lokal na pamahalaan ng Sibuco para sa ligtas na pagsagip at makapagtuturo sa dumukot na American national, iniulat kaninang umaga sa bayang ito.
Ayon kay Sibuco Mayor Joel M. Ventura, bukod sa binuong Critical Incident Management Task Group-Eastman ng Police Regional Office-9 (Zamboanga Peninsula), nagdagdag ng P50,000 mula sa P100,000 na pabuya para sa pagsagip kay Elliot Onil Eastman, 26, taga-Vermont at nakapangasawa ng Pinay sa Sitio Tungawan, Sibuco, Zamboanga del Norte.
Matatandaang noong Oktubre 17, 2024, bandang alas-11 ng gabi ay pwersahang dinukot si Eastman sa bahay ng kanyang asawa sa nasabing lugar.
Tinakpan ang mukha ni Eastman, binaril ang binti at sapilitang isinakay sa bangkay ng mga armadong kalalakihan.
Si Eastman ay isang Youtuber na nagdodokumento ng kanyang paglalakbay sa iba’t ibang lugar.
Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan ng Sibuco sa mga residente na nakakita sa pangyayari na kung maaari ay makipag-ugnayan sa mga awtoridad para matunton ang bangkang sinakyan ng mga suspek. Mary Anne Sapico