Home TOP STORIES PADER ng demokrasya inilunsad!

PADER ng demokrasya inilunsad!

142
0

MANILA, Philippines – NASA limampung pinuno mula sa iba’t ibang alyansa at multisektor na mga grupo na nagmula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas ang lumagda ng isang manipesto upang ilunsad ang Aliansa ng Bayan para sa Demokrasya at Reporma (PADER ng Demokrasya) bilang suporta sa kasalukuyang administrasyon.

Bukod anila sa suporta ay nagpasalamat din sila sa administrasyon hinggil sa mga mabubuting programa at reporma na kanilang nasimulan para sa patuloy na kapayapaan at kaunlaran tungo sa bagong Pilipinas.

“Ang ating dakilang adhikain at tungkulin sa ating makasaysayang pagkakaisa ay upang palakasin ang ating bayan at ganap na itaguyod at ipagtanggol ang mandato ng taumbayan na ipinagkaloob sa ating mahal na Pangulong Ferdinand “BongBong” Romualdez Marcos Jr. sa pagtitiyak ng isang Bagong Pilipinas para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan at mamamayang Pilipino,” saad sa manipesto.

“Bilang isang nagkakaisang koalisyon, kami ay naninindigan kasama ang mamamayang Pilipino sa isang pagpapakita ng matatag na pagkakaisa para sa pagnanais ng tuloy-tuloy na kapayapaan at kaunlaran ng ating bayan,” ayon pa sa pinirmahang manipesto ng koalisyon.

Nangako rin ang koalisyon na PADER, na maninindigan kasama ang mamamayan at pamahalaan sa pagtitiyak ng isang maayos na pamamahala, mapayapang pamayanan at maunlad na kinabukasan para sa sambayanang Pilipino.

Buong-buo ang tiwala ng mga lider na dumalo sa kasalukuyang administrasyon at naniniwala sila na hindi kailanman bibiguin ng Pangulo ang kanyang sinumpaang tungkulin sa bayan.

Nabatid naman na nagsisilbing Tagapangulo Emeritus si Dr. Jose Antonio E. Goitia LL.B., MNSA, MPA, Ph.D., ng PADER, Alyansa ng Bayan para sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Liga Independencia Pilipinas (LIPI) at Citizens Crime Watch (CCW) NCR. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here