Home METRO 1 nawawala, 2 ligtas sa lumubog na motorbanca

1 nawawala, 2 ligtas sa lumubog na motorbanca

MANILA, Philippines- Pinaghahanap ang isang boat owner habang nakaligtas ang dalawa niyang kasamahan nang masira ang kanilang bangka sa baybayin ng Merida, Leyte nitong Lunes, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sakay ng maliit na motor banca, ang tatlo ay umalis ng Naungan Village sa Ormoc City dakong alas-10 ng umaga at nagtungo sa bayan ng Pilar sa Cebu upang kumuha ng cargo nang makaranas ng problema sa makina matapos ang isang oras.

Ayon sa mga nakaligtas, ang kanilang bangka ay lumubog dahil sa masamang lagay ng dagat dulot ng masamang panahon.

Nagawa namang lumangoy ng dalawang pasahero na sina Jessy Anasco, 30, at Junrex Ianogan,18 hanggang makarating sa Pilar.

Samantala, naglabas ng abiso ang PCG stations sa Eastern Visayas sa lahat ng sasakyang pandagat na dumaraan sa mga ruta sa rehiyon na bawal munang maglayag habang umiiral ang tropical storm Kristine. Jocelyn Tabangcura-Domenden