Home NATIONWIDE 253 barangay officials na sangkot sa vote-buying naharang sa pag-upo sa pwesto

253 barangay officials na sangkot sa vote-buying naharang sa pag-upo sa pwesto

185
0

MANILA, Philippines- Napigilan ng Commission on Elections (Comelec)ang 253 barangay officials na maupo sa kanilang mga pwesto kahit nanalo dahil sa pagbili ng boto.

Nitong Martes, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang mga barangay executive na ito ay kabilang sa humigit-kumulang 1,000 opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan na sinisingil dahil sa pagbili ng mga boto noong nakaraang halalan.

Ayon kay Garcia, may kaso rin na ang buong roster ng barangay officials na nanalo sa halalan ay hindi pinapayagang manungkulan kung saan kailangang magtalaga ang mayor ng opisyal na mamahala sa barangay.

Gayunman, aminado si Garcia na wala sa 1,000 Barangay at Sangguniang Kabataan officials na nakasuhan ng vote-buying ang nahatulan hanggang sa ngayon.

Binanggit din ng poll chief na karamihan sa mga ebidensya sa pagbili ng boto ay mahina at hindi kumpleto at karamihan sa mga petisyuner ay nag-withdraw ng kanilang mga kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here