Home NATIONWIDE Pangalan ng partylist nominees ilalathala sa Comelec website sa Oct. 23

Pangalan ng partylist nominees ilalathala sa Comelec website sa Oct. 23

MANILA, Philippines- Ilalathala ng Commission on Elections (Comelec) sa Miyerkules ,Oktubre 23, 2024 sa kanilang website ang mga pangalan ng party-list nominees.

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na hindi nila agad inilathala ang listahan dahil kailangan nilang bawasan ang impormasyon na maaaring lumabag sa data privacy.

Inihayag din ni Garcia na ilalahad lamang ng poll body ang impormasyon sa publiko sa ilalim ng nakasaad sa nilalaman ng certificate of candidacy (COC) sa ilalim ng Section 74 ng Omnibus Election Code na kinabibilangan ng tirahan, partidong politikal kung saan sila kabilang, civil status, petsa ng kapanganakan, address ng post office para sa mga layunin ng halalan at propesyon o trabaho.

Nauna nang sinabi ni Garcia na ilalathala ng Comelec ang COC at certificates of nomination and acceptance (CONAs) para sa 2025 polls sa unang pagkakataon upang maiwasan ang panibagong kaso ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nanalo bilang Mayor sa kabila ng umano’y maling impormasyon na nakasaad sa kanyang birth certificate. Jocelyn Tabangcura-Domenden