Home OPINION BLUE RIBBON PROBE DAPAT TULOY-TULOY

BLUE RIBBON PROBE DAPAT TULOY-TULOY

2
0

LUMABAS na kinansela ng Senate Blue Ribbon Committee Sub-committee ni Sen. Rodante Marcoleta ang imbestigasyon sa kikbakan sa flood control program nang i-lockdown ang Senado kamakalawa.

May iba pang mga dahilan gaya ng pagkokonsentreyt muna ng lahat ng senador ang pagtulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

May banta umano sa Senado ngunit ayon ito sa grupo ni umano’y President Pro Tempore Win Gatchalian, bagay na pinasinungalingan naman ni Senate President Alan Peter Cayetano.

Magandang usapin ang pagpapatuloy imbestigasyon, lalo’t may madaragdag umanong 21 pang dating sundalo na testigo sa kikbakan.

Sa isang iglap, may pagdududa sa ilan sa 18 naunang Marines na tumestigo dahil wala silang corroborative testimonial evidence sa pagdedeliber ng male-maletang pera sa ilang pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan hindi lang sa mga mambabatas kundi sa Unang Pamilya.

Sa pagsama ng iba pang 21 na dating security aide at/o driver ni dating Congressman Zaldy Co, malaki ang posibilidad na magkakaroon kahit man lang ng testimonial evidence bilang kalakip ng mga testimonya ng naunang 18 testigo.

Lalo ring mapalalakas ang mga ebidensya sa kikbakan dahil may mga documentary at material evidence na idaragdag pa sa naunang testimonial, documentary at material evidences.

Mararahil, matapos ang Hunyo 12, 2026 na may banta umano sa seguridad hindi lang sa Senado kundi sa Palasyo at makaraang makapag-abot ng tulong ang mga senador sa mga biktima ng lindol, magpapatuloy na ng imbestigasyon.

Alalahaning ang imbestigasyon sa kikbakan o korapsyon at pandarambong ang kabilang sa mga pinakamahalagang usaping pinakahihintay ng sambayanang Pilipino upang lumabas ang katotohanan o kaya’y kasinungalingan dito.

Ngunit dahil lumilitaw na mayroon talagang malakihang kikbakan, naririyan din ang interes ng buong bayan na dapat may mapanagot…at may maibabalik na salaping bayan na pinagkikikbak ng mga korap at mandarambong.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here