MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang magbigay ng insentibo kung nais ng Pilipinas na makaakit ng mas maraming investors sa e-mobility industry ng bansa.
Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Oct. 22, kung saan nakapulong ng Pangulo ang mga opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) at kinauukulang ahensya ng pamahalaan para talakayin kung paano ide-develop at pananatilihin ang Philippine e-mobility industry sa pamamagitan ng siyensiya, teknolohiya at innovation.
Winika ng Pangulo na nais niya ang pinahusay na inisyatiba para palakasin ang e-mobility industry ng bansa, binigyang-diin ang pangangailangan na magbigay ng insentibo para maka- attract ng mas maraming investors.
“We need investors to come in. Of course we’ll provide incentives from the government. That’s what we need to do. We need incentives for investors to come in. Hopefully local,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa naturang pulong.
“But we’ll take anybody who’s interested. But then they will have to undertake the production design to scale it up to a level to actually make a difference to the market,” dagdag niya.
Tinuran pa ng Pangulo na hindi problema ang disenyo pagdating sa e-mobility ng bansa kundi sa ‘scaling’ ng industriya.
“We’re always running into the same problem – it’s the scaling. Production design. Then the investment. How do we (attract investments). That’s the hardest part of this. A high school science student can design an e-trike. Walang problema yun because again the technology is so simple, so well-understood. But it’s the scaling,” ayon sa Chief Executive.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na naghihintay lamang ang mga potensyal na mga investor para sa isang policy statement mula sa gobyerno.
Naghihintay din aniya ang manufacturers at fabricators para sa government policy.
Binigyang -diin naman ni Solidum na makalilikha ang e-mobility industry ng mas maraming trabaho sa “maintenance, after-sales service at at iba pang serbisyo.”
Pagdating naman sa government policy, lumilikha ang Department of Trade and Industry (DTI) ng strategic roadmap sa ilalim ng Electric Vehicle Industry Development (EVIDA) para bumalangkas ng mga polisiya at makaisip ng posibleng insentibo para suportahan ang e-vehicles.
“Another initiative is by working with locally owned ToJo Motors to figure out the necessary policies to make it conducive for locally manufactured e-vehicle, specifically e-trikes and e-jeepneys to operate in the Philippines,” ayon kay Solidum.
Pagdating naman sa produksyon, sinabi ni Solidum kay Pangulong Marcos na ang e-trikes ay magiging “mass produced” sa Isabela sa lalong madaling panahon.
Marami aniyang customers ang naghihintay para sa electric trikes sa merkado.
Samantala, interesado rin ang mga opisyal ng General Santos City kasama ang mga tricycle operators.
“Local agri-machinery manufacturers could help speed up trike production,” giit ni Solidum.
Sa ulat, hanggang Oktubre 18 ay mayroong 25,196 registered e-vehicles (EVs) at 705 EV charging stations (EVCS) sa bansa na may 92 accredited EVCS providers. Ang mga providers aniya ay makalilikha ng 10,407 bagong trabaho at P1.99 bilyon na investments. Kris Jose