Home NATIONWIDE Alamin: Mga daan na ‘di madaanan sa hagupit ni ‘Kristine’

Alamin: Mga daan na ‘di madaanan sa hagupit ni ‘Kristine’

141
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG may 20 road sections sa iba’t ibang bansa ang nananatiling hindi madaanan dahil sa mataas na tubig baha na dala ni Tropical Storm (TS) Kristine.

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang pinagsasama-samang ulat ng DPWH Bureau of Maintenance (BOM) na “as of 6 a.m.” ang kabilang sa pigura ay ang 15 road sections sa Bicol, 4 sa Eastern Visayas at isa sa Calabarzon.

Ang pagsasara sa mga lansangan ay dahil sa iba’t ibang dahilan gaya ng pagguho ng detour roads, pagbaha, landslides, pagbagsak ng mga puno hat rockslides.

Ang matinding pag-ulan at malakas na hanging dulot ng TS Kristine ang nagsilbing hadlang sa nagpapatuloy na clearing operations sa kahabaan ng Sibuyan Circumferential Road sa Romblon Province kung saan ang gumuho ang lupa at bumagsaka ng mga puno dahilan para hindi madaanan ang mga seksyon ng K0005+250-K0005+300 sa Barangay Cambijang, Cajidiocan at K0057+650-K0057+660 sa Barangay Poblacion, Magdiwang impassable.

Sa Bicol region, ang mga sumusunod na road sections sa Albay province ay nananatiling nakasara dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa: DM Jct-Legazpi-Sto. Domingo-Tabaco-Tiwi-Camarines Sur Boundary Road, Nagas Br. 1, K0565+702 – isang detour road na nag-collapsed dahil sa nagpapatuloy na bridge work; Albay West Coast Road, Libon – ilang seksyon ang may nangyaring pagbaha at gumuhong lupa; Ligao – Pio Duran Road (S03661LZ) K0520+0250 hanggang 0520+0300, Barangay Malama at K0503+0800 hanggang K0504+0200 Barangay Cavasi at Barangay Tinampo, City of Ligao – flooded; Oas Poblacion Road K0496+(-200)-K0496+0100 at K0497+0000 – K0497+0350 Barangay Ilaor Norte, Oas – pagbaha; at Libon-Bacolod-San Vicente-Marocmoc Buga Rd (S03691LZ) K0498+0450 hanggang K0498+0600 Barangay Bonbon at K0489+0700 hanggang K0490+0000 Barangay San Isidro, Libon.

Sa Camarines Norte, kabilang naman sa flood-affected roads ay ang Talobatib-Jose Panganiban-Poblacion Road – sa iba’t ibang barangay; Sta. Elena – Capalonga Bypass Road, K0268+300, Barangay San Lorenzo, Sta. Elena; Bagong Silang-Capalonga Road, K0325+600-K0325+650, Barangay Mataque at K0317+000, Barangay Old Camp sa Capalonga; at Maharlika Highway K0329+802, Bical Bridge, Barangay Iberica, K0322+200, Sitio Mineral, Barangay Talobatib, K0281+000, Barangay Tigbinan, at K0307+900 – K0308+150, Barangay Namukanan sa Labo.

Idagdag pa rito, ang mga lansangan sa Camarines Sur, Masbate, at Sorsogon ay nakararanas ng kahalintulad na kondisyon sa seksyon na apektado ng pagbaha at rockslides.

Kabilang dito ang : Pili-Tigaon-Albay Boundary Road, K0479+000-K0480+000, intermittent sections, Camarines Sur – nakararanas ng pagbaha at rockslides; Lagonoy-Presentacion Road, Kinahulugan Section, Bagong Sirang Section, & Adiangao Section) K0488+800 RL, Camarines Sur – pagbaha; San Fernando North Road, K0015+700, Barangay Sta. Rosa, San Fernando, Masbate – pagbaha; San Pascual-Claveria Road, K0054+470, Poblacion 1, Claveria, Masbate – pagbaha; at Juban-Magallanes Road, K0609+600-K0609+725, Sorsogon – pagbaha.

Sa Eastern Visayas, ang mga saradong lansangan ay ang: Catarman-Calbayog Road, S00004SM), K0776+000, Poblacion Lope De Vega, Northern Samar – pagbaha; alternate route available via Maharlika Highway sa pamamagitan ng Allen-Catarman Road; Catarman-Laoang Road (S00175SM) K0757+900 – K0758+300 Barangay Chitongco at K0762+000 – K0763+050 Sitio Banika Barangay Bugko, Mondragon, Northern Samar – pagbaha, na may water level na umabot sa 0.91 meters; Calbayog-Catarman Road, K0787+300 – K0789+500 Barangay Tarabucan, Calbayog City, Samar – pagbaha, water level na 0.60 meters; at Pangpang-Palapag-Mapanas-Gamay-Lapinig Road, K0810+500, Barangay Maragano, Palapag, Northern Samar –naharangan nang umaagos na debris.

Ang San Francisco – San Andres – San Narciso Road ay may K0314+490 sa Quezon province at Masbate-Milagros Rd, K0010+000, Barangay Usab, Masbate City, Masbate ay nadadaanan lamang ng mga heavy vehicles dahil sa mataas na tubig baha.

Ang iba pang lansangan sa Camarines Sur ay nananatiling nadadaanan subalit limitado sa heavy vehicles dahil sa pagbaha: Tigaon-Lagonoy Section, K0480+000 – K0488+000, intermittent sections; Tct. Teres – Garchitorena K0545+200; Tinambac – Siruma Road, K0522+050; at Goa-Digdigon-SanIsidro Road, K0488+(-600).

Sa kabilang dako, ang DPWH Quick Response Assets mula sa apektadong Regional and District Engineering Offices ay naka-prepositioned para sa clearing operation.

Patuloy namang minomonitor ng Disaster Incident Management Teams ang kondisyon sa iba pang kahabaan ng national roads a tulay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here