Home IN PHOTOS Sitwasyon sa Mountain Province sa pananalasa ng #KristinePH

Sitwasyon sa Mountain Province sa pananalasa ng #KristinePH

156
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala na ng mga insidente ng pagguho ng lupa at pagbaha ang ilang lugar sa Mt. Province dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.

Sa ulat, sarado na sa mga motorista ang Talubin-Caneo Road dahil sa rock slide na naganap nitong Miyerkules, Oktubre 23.

Sarado rin ang kalsada mula Mt. Province patungong Cagayan sa pamamagitan ng Tabuk-Enrile Road dahil din sa landslide na naitala sa bahagi ng Fagwang, Betwagan Sadanga, Mt. Province.

Samantala, ipinag-utos na ng lokal na pamahalaan ng Paracelis ang paglilikas ng mga residente patungo sa ligtas na lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng Siffu River, sa Barangay Bananao ng nabanggit na bayan.

Patuloy ding minomonitor ang lebel ng tubig sa Chico River na maaaring magpabaha sa malaking bahagi ng probinsya sa oras na ito ay umapaw na. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here