MANILA, Philippines – Naglabas ng Heavy Rainfall Warning ang PAGASA ngayong Huwebes ng umaga, Oktubre 24 sa ilang lugar sa Luzon kabilang na ang Metro Manila.
Sa ulat, nakataas ang red warning level sa Batangas na maaaring magdulot ng matinding pagbaha.
Orange warning level naman ang itinaas sa Cavite, Laguna(Alaminos, Bay, Cabuyao, Calauan, Calamba, Santa Rosa, Liliw, Los Banos, Luisiana, Magdalena, Majayjay, Nagcarlan, Pagsanjan, Pila, Rizal, San Pablo, Santa Cruz, Victoria, Binan, San Pedro, Cavinti, Kalayaan, Lumban, Paete) at Quezon (San Antonio, Tiaong, Dolores, Sariaya, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Padre Burgos, Agdangan).
May mataas na tsansa rin ng pagbaha sa malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.
Habang nasa ilalim ng yellow rainfall warning ang Metro Manila, Rizal, Bataan, Quezon (General Nakar, Real, Infanta, Burdeos, Polillo, Panukulan, Patnanungan, Jomalig, Tagkawayan, Calauag, Guinayangan, Lopez, Quezon, Alabat, Perez, San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista, Mulanay, Catanauan, General Luna, Macalelon, Pitogo, Gumaca, Plaridel, Unisan, Atimonan, Mauban) at Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan, Mabitac, Pakil, Pangil) kung saan possible rin ang mga pagbaha sa flood-prone areas.
Samantala, apektado ng mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-ulan ang Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga at Bulacan na maaaring tumagal ng tatlong oras. RNT/JGC