Home HOME BANNER STORY 9 nasagip, 1 nawawala sa lumubog na bangka sa Obando

9 nasagip, 1 nawawala sa lumubog na bangka sa Obando

133
0

MANILA, Philippines – Siyam na indibidwal ang nasagip habang isa naman ang nawawala matapos na lumubog ang isang bangkang pangisda sa dalampasigan ng Barangay Binuangan in Obando, Bulacan nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 24.

Ayon sa barangay chairman na si Samuel Roxas, nangisda ang lahat ng 10 mangingisda nitong Miyerkules.

Aniya, kalmado naman ang hangin at alon nang umalis ang mga ito ngunit kalaunan ay bigla na lamang nag-iba ang kondisyon ng dagat.

Sa ulat, lumubog ang bangka 15 kilometro mula sa baybayin.

Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang Bulacan PDRRMO, MDRRMO, at Philippine Coast Guard (PCG), para hanapin ang nawawalang mangingisda. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here