Home NATIONWIDE Blessing ng bagong NPC elevator pinangunahan ng ACT-CIS

Blessing ng bagong NPC elevator pinangunahan ng ACT-CIS

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang blessing ng bagong National Press Club (NPC) Elevator at NPC Annex Office nitong Miyerkules, Oktubre 23.

Ito ay bilang bahagi na rin ng isang linggong preparasyon para sa pagdiriwang naman ng ika-72 anibersaryo ng NPC sa Oktubre 29 na pangungunahan ng isang misa.

Sa nasabing pagdiriwang, magkakaroon ng ilang aktibidad sa NPC na pangungunahan ng mga opisyales nito tulad ng medical, dental, optical at legal mission.

Isa sa pinakatampok na aktibidad ang Sidewalk Photo Exhibit Ribbon cutting at ang The Great Ilocandia Agriculture 2024 Photo Exhibit.

Hindi mawawala ang Gift-giving kasama ang Philippine Chinese Chbers of Commerce and Industry Inc.

Samantala, makakatuwang na rin si Cong. Tulfo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagtugon sa maritime safety, community service at environmental protection matapos isagawa ang donning at oathtaking ceremony bilang mga bagong PCG Auxiliary, nitong Miyerkules ng hapon.

Bilang bagong PCG Auxiliary, nangako ang mambabatas na paninindigan niya ang karangalan at mga inaasahan na kaakibat nito.

Binigyang diin ng mambabatas na ang kanyang ranggo ay hindi isang pribilehiyo kundi kumakatawan sa tungkulin– nangangahulugan ng pagsagot sa panawagan na mamuhay nang may integridad at magsilbi ng may dedikasyon Lalo na sa mga mahahalagang bahagi ng kaligtasang pandagat, proteksyon sa kapaligiran at serbisyo sa komunidad.

Aniya, ang auxiliary ng Philippine Coast Guard ay gumaganap ng mahalagang papel bilang katuwang ng Philippine Coast Guard, ng sandatahang lakas at ng pambansang pulisya na nagbibigay ng tulong sa panahon ng mga kalamidad, na nagsasagawa ng mga rescue mission at nagtataguyod para sa proteksyon ng ating mga karagatan.

“This rank reminds me of the importance of every tasks.. no matter how small or challenging and how collective action can lead the greater accomplishment,” pahayag ni Tulfo.

Pagtitiyak pa niya na magkakaroon ang PCG ng kakampi sa Kamara na may commodores na sina Commodore Eric Yap at Edvic Yap gayundin sina Commander Jerico Javier — ang Chief of Staff ng ACT CIS partylist at Commander (Atty.) Mach Jefferson Mancenido (Head Legal, ACT CIS partylist) na kapwa kasama sa donning at oath taking.

Ayon pa sa mambabatas, kung papalarin magkakaroon na ng ‘big brother’ ang PCG sa Senado sa 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden