Home NATIONWIDE NTC sa telcos: Apektadong serbisyo sa bagyong Kristine, ibalik agad!

NTC sa telcos: Apektadong serbisyo sa bagyong Kristine, ibalik agad!

131
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication firm na siguruhing tuloy-tuloy ang serbisyo sa kabila ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.

Sa pahayag, sinabi ng NTC na naglabas ito ng memorandum noong Oktubre 21 sa inaasahang pagpasok ng bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa naturang memorandum, nanawagan ang NTC sa public telecommunications entities (PTEs) “to undertake measures in ensuring continuity of telecommunications services to the Filipino public.”

Partikular na inatasan ng NTC ang PTEs na magbigay ng sapat na tauhan, standby generators na may sapat na gasolina, kinakailangang gamit at spare equipment para sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

Sinabi rin ng ahensya na dapat siguruhin ng PTEs ang mabilis na repair at pagbabalik ng serbisyo.

Dagdag pa, inatasan din ang mga ito na magkaroon ng “Libreng Tawag” at “Libreng Charging Stations” sa mga lugar na mapupuruhan ng bagyong Kristine.

Sa ulat, may mga naitala nang pagkawala ng serbisyo sa mga probinsya sa Bicol region at Eastern Visayas.

“The primary reason for these telecommunication services disruptions were commercial power interruptions, which were either pre-emptively initiated by power companies/electric cooperatives or naturally caused by the typhoon,” ayon sa NTC. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here