MANILA, Philippines – PUMALO na sa P10 milyong halaga ng inisyal na pinsala sa agrikultura sa Bicol region ang naitala ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center dahil sa Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami).
“Based on the initial assessment of the DA Regional Field Office in Bicol Region, damage and losses have been reported in rice and corn amounting to PHP9.75 million affecting 234 farmers,” ang nakasaad sa kalatas ng DA-DRRM.
Tinatayang, mayroon namang 598 metric tons (MT) sa 209 ektarya ng rice at corn plantation ang naiulat na napinsala, pagkawala sa rice production na 203 MT na nagkakahalaga ng P9.6 milyon sa Camarines Norte.
Samantala, sa sektor ng mais, 7.50 MT ang nawala sa Camarines Sur na nagkakahalaga ng P167,000.
Tiniyak naman ng DA na mamamagitan ito sa mga apektadong magsasaka kabilang na ang pamamahagi ng agricultural inputs para sa bigas, mais at high-value crops kabilang ang ‘seedlings, drugs, at biologics; P25,000 loanable na halaga para sa kada magsasaka na puwedeng bayaran sa loob ng tatlong taon na may zero interest; at indemnification ng insured farmers sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Industry (PCIC). Kris Jose