Home NATIONWIDE Trough ni ‘Kristine’ makaaapekto sa Palawan, OccMin

Trough ni ‘Kristine’ makaaapekto sa Palawan, OccMin

130
0

MANILA, Philippines- Makaaapekto si  Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami) sa ilang bahagi ng Luzon kahit nakalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Biyernes.

Sa weather bulletin nitong Sabado ng alas-4 ng madaling araw, sinabi ng PAGASA na iiral ang maulap na kalangitan na sasabayan ng kalat na pag-ulan sa Occidental Mindoro at Palawan dahil sa trough ni Kristine.

Hanggang alas-3 ng madaling araw, si Kristine ay namataan 630 km sa kanluran ng Bacnotan, La Union, na may maximum sustained winds na 95 km/h ay gustiness hanggang 115 km/h.

Kumikilos ito patungo sa pakanlurang direksyon sa bilis na 20 km/h.

Magdudulot naman ang Southwesterly Windflow ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.

Nagbabadya sa Metro Manila at natiitarang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms.”

Samantala, namataan si Tropical Storm Kong-rey 1,825 km east ng Central Luzon, na may maximum sustained winds na 65 km/h ay gustiness hanggang 80 km/h.

Kumikilos si Kong-rey sa northwestward direction sa bilis na 35 km/h.

Inaasahang makararanas ang Luzon ng moderate to strong winds and rough waters, habang ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng slight to moderate winds at moderate to rough waters.

Sumikat ang araw sa Metro Manila ng alas-5:50 ng umaga at lulubog ng alas-5:30 ng hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here