DAPAT lang ipatawag ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga opisyales ng Bureau of Customs– Commissioner Bien Rubio, Deputy Commissioner for Intelligence Juvymax Uy, Customs Investigation and Intelligence Service chief Verne Enciso at Enforcement Security Service chief Butch Tibayan, ‘among others, wika nga– at sabitan ng medalya at “paliguan” ng papuri, dahil sa “nakabibilib” na ‘performance’ ng Aduana kung paglaban sa smuggling ang pag-uusapan.
Isa sa mga ito ay ang natimbog na tanker vessel, ‘MTKR Cassandra,’ nitong Oktubre 16 sa Port of Batangas na may lamang 1.6 milyong litro ng ‘diesel’ na nagkakahalaga ng mahigit P90 milyon. Huli rin ang 4-lorry trucks kung saan inililipat ang ‘smuggled fuel’ at ang kapitan at mga ‘crew’ ng barko.
Hindi na “bago” ang insidente dahil marami na ring nasakote ng BOC-IG na “paihi operation” ng fuel smugglers.
Ang napansin natin dito, hindi sa “laot ng dagat” nagdidiskarga ng iligal na krudo ang barko. Bagkus, sa mismong piyer na para bang “ligal” talaga ang kanilang iligal na operasyon!
Translation? Matagal na itong nangyayari d’yan sa POB kaya parang ‘everything looks normal,’ hindi ba, Mr. President?
Ayon kay Enciso, walang maipakitang ‘berthing’ at ‘unloading permits’ ang kapitan ng barko.
Paano nangyari ‘yan Philippine Port Authority administrator Jay Santiago? Bakit “wala?” Dahil nga “meron,” ganern?
Malinaw na nangyari ang ‘fuel transfer’ sa ‘high seas’ sakop ng ‘Pinas kung saan nagpapatrulya ang Philippine Coast Guard gamit ang mga ‘radar’ ng Coast Watch, tama ba, Comm. Jay Tarriela?
Bakit mga barko ng China “nakikita” ninyo pero ang “paihi operations” ng ‘fuel smugglers,’ hindi?
Meron ba o wala mga bosing… kayong reaksyon? hehehe!
Abangan!