Home METRO Cameroonian national tiklo sa estafa

Cameroonian national tiklo sa estafa

114
0

MANILA, Philippines- Tiklo ang isang lalaking Cameroonian sa National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa umano’y estafa case at matapos makuhanan ng pekeng pera na nagkakahalaga ng P4.1 milyon sa isang operasyon sa Mandaluyong City nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Marcel Wenong Tezock, 40. Nadakip din ng mga awtoridad ang kanyang kinakasama na si Kuhle Nkomo, isang 25-anyos na Zimbabwean national.

Inisyal na nagsilbi ng arrest warrant kay Tezock ang arresting team mula sa NCRPO dahil sa umano’y estafa case bandang alas-2 ng hapon sa loob ng kanyang inuupahang kwarto sa isang condominium building sa Mandaluyong City.

Sa pagsisilbi ng arrest warrant, nadiskubre ng mga awtoridad ang ilang bundle ng pekeng US dollar at Philippine peso bills na nakalagay sa ibabaw ng microwave oven at kitchen cabinet, ayon sa NCRPO.

“Upon closer inspection, it was determined that the bills were printed in four pieces on a single sheet of paper, confirming their counterfeit nature. The counterfeit bills were subsequently confiscated,” pahayag ni Police Maj. Gen. Sidney Hernia, NCRPO director.

Naaresto rin si Nkomo, na nasa apartment kasama si Tezock nang isagawa ang operasyon,

Kinumpirma ng mga ahente mula sa Payments and Currency Investigation Group (PCIG) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na peke nga ang mga nasabat na pera.

Base sa NCRPO, si Tezock ay dati nang naaresto dahil sa swindling violation sa Taguig City noong December 16, 2022; at kasong coercion noong March 9, 2024 sa Makati City. 

“He was out on bail at the time of his recent arrest,” wika ni Hernia.

“The NCRPO urges the public to utilize the ‘Feel-Look-Tilt’ method to verify the security features of new generation currency banknotes, as advised by the BSP,” ayon pa sa opisyal. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here