Home METRO 1 dedo, 2 sugatan sa suwagan ng tricycle at motorsiklo

1 dedo, 2 sugatan sa suwagan ng tricycle at motorsiklo

144
0

PANGASINAN- Patay ang 54-anyos na lalaking driver ng tricycle samantalang sugatan naman ang 30-anyos na driver ng motorsiklo at 28-anyos na angkas nito, na parehong mga lalaki rin, matapos ang aksidenteng banggaan ng kanilang sasakyan sa Brgy. San Roque, Alaminos City ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa pulisya, ang driver ng tricycle ay residente ng Bolinao, Pangasinan samantalang ang driver naman ng Motorstar motorcycle at angkas nito ay parehong residente ng Bani, Pangasinan.

Nabatid na ang dalawang sasakyan ay parehong bumibiyahe sa national road sa nabanggit na lugar.

Papuntang kanlurang direksyon ang tricycle samantalang papunta naman sa kabilang direksyon ang motorsiklo.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, bigla umanong nasakop o inukopa ng motorsiklo ang lane ng tricycle na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Dahil dito, pare-parehong nagtamo ng severe injury ang tatlo na agad na isinugod sa ospital.

Gayunman, ang driver ng tricycle ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here