Home NATIONWIDE Relief efforts sa Bicol pahirapan pa rin sa baha – PBBM

Relief efforts sa Bicol pahirapan pa rin sa baha – PBBM

208
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado, Oktubre 26 na nagging pahirapan ang relief efforts sa Bicol Region dahil sa hindi pa rin humuhupa ang tubig-baha sa malaking lugar sa rehiyon.

“‘Yung problema namin dito, marami pang area na baha pa rin, hindi pa rin mapasok na kahit ‘yung malalaking trucks hindi pa rin kayang pasukin,” sinabi ni Marcos sa kanyang pagbisita sa Camarines Sur.

“It’s getting better but there really still are areas na kahit anong gawin namin, hindi maipasok,” ani Marcos, sabay sabing ang mga responder ay nagamit na ang mga rubber boat para sa relief efforts.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na ang relief operations ay “in place” kung saan patuloy ang pamahalaan sa pamamahagi ng mga food pack at hygiene kits sa mga apektado ng bagyong Kristine.

“Na-in place lahat ‘yan. Sapat naman ‘yung ating supplies so far,” sinabi ng Pangulo.

“The rainfall that happened with this storm is almost double of Ondoy,” ipinunto ni Marcos.

“‘Yung Ondoy nakaya pa. Meron naman tayong maraming flood control, meron tayong mga dike, meron tayong mga pumping station, meron tayong flood control gates. Pero sumobra lang talaga ‘yung tubig, at hindi lahat ng flood control natin na dati naman ay nakakayanan kahit na may ulan… ‘yun ay nasapawan because the water was just too much.”

Sa situation briefing, sinabi ni Marcos na muli niyang bibisitahin ang Bicol River Basin Development Program, na proyekto ng kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr. noong 1973.

Tututok ito sa flood control aspect ng proyekto.

“Huwag na nating asahan na hindi na mangyayari ito. Ganiyan talaga ang climate change, severe weather. This is the new situation that we have to deal with kaya harapin na natin at gawan na natin ng paraan para ang Bicol River Basin ay hindi na paulit-ulit na nababaha,” ani Marcos.

“Hopefully within the next two years masimulan na itong project na ito.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here