MANILA, Philippines – Napinsala ng bagyong Kristine ang nasa 318 tirahan sa Negros Occidental.
Ayon sa provincial government, 32 sa mga ito ang totally damaged at 286 naman ang partially damaged.
Naitala sa Sagay City ang may pinakamaraming nasirang tirahan sa 84, sinundan ng Hinoba-an sa 68, Pontevedra sa 31, Cadiz City, 27; San Enrique, 25; Valladolid, 16; Sipalay City, 15; Escalante City, 13; Victorias at San Carlos City sa 12; Cauayan, 10; Isabela, apat; at isa sa Hinigaran.
Mayroong 2,348 pamilya o 8,452 indibidwal mula sa 108 barangay ang kinailangang lumikas sa probinsya.
Pinakamarami rito ang Cadiz City sa 734 pamilya, sinundan ng Sipalay City, 511; Sagay City, 269; Hinoba-an, 157; Cauayan, 140; Silay City, 128; Pontevedra, 98; Bago City, 61; Valladolid, 49; Hinigaran, 43; Binalbagan, 41; San Carlos City, 28; San Enrique, 25; Escalante, 22; Ilog, 18; Victorias City, 12; Isabela, 10; at La Carlota City, dalawa. RNT/JGC