Home NATIONWIDE 2 mangingisda mula Negros, nawawala

2 mangingisda mula Negros, nawawala

MANILA, Philippines – Naglunsad ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG)-northern Negros Occidental sa nawawalang dalawang mangingisda mula sa Barangay Zone 1, Cadiz City, Negros Occidental na nawawala pa mula noong Huwebes, Oktubre 24.

Sinabi ni Commander Jansen Benjamin, pinuno ng PCG-northern Negros Occidental, na naglayag sina Joren Parochil, 22, at isang 17-anyos na lalaki Huwebes ng umaga, sakay ng isang bangka sa kabila ng masamang panahon dulot ng bagyong Kristine.

Sa kabila nito, bigong makabalik ang dalawa pagsapit ng alas-5 ng hapon dahilan para humingi ng tulong sa PCG ang may-ari ng bangka para hanapin ang mga ito.

Nagtanong ang PCG sa kalapit na substations at shoreline barangays na maging alerto sa presensya ng bangka at ng dalawang mangingisda.

Ani Benjamin, humiling na rin sila ng asset mula sa PCG national headquarters para tumulong sa search and rescue.

Ipinadala ang BRP Kalanggaman at isang patrol boat para tumulong sa SAR. RNT/JGC