MANILA, Philippines – Patay ang isang siyam na taong gulang na batang babae matapos mabangga ng isang rescue vehicle sa Calauag, Quezon nitong Biyernes ng hapon, Oktubre 25.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Mary Bithany Cambronero Añonuevo.
Sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa gilid ng Calauag-Guinayangan Provincial Road sa Barangay Rizal Ibaba nang mahagip ito ng isang Toyota Hi-Lux rescue vehicle na may plakang DBM-6542 na minamaneho ni Dexter, 49.
Nagtamo ng pinsala sa katawan ang biktima at agad na dinala sa Calauag Infirmary Hospital ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ngunit idineklara itong patay.
Napaulat na nakainom si Dexter nang mangyari ang insidente.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. RNT/JGC