Home METRO ‘Leon’ pinaghahandaan na ng Albay

‘Leon’ pinaghahandaan na ng Albay

147
0

MANILA, Philippines- Naghahanda na ang Albay provincial government sa posibleng epekto ni Tropical Storm Leon (international name: Kong-Rey), kahit na bumabangon pa ito mula sa pananalasa ni Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami).

Ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), naghahanda na sila sa mga posibleng bagyo na maaaring tumama sa bansa kasunod ni Kristine na nagresulta sa tinatayang P1.3 bilyong halaga ng pinsala sa imprastraktura.

“Nasa recovery na tayo, so pinaghahandaan na rin natin ang mga susunod pang mga sitwasyon,” pahayag ni APSEMO chief engineer Dante Baclao sa isang ulat nitong Linggo.

Kabilang sa major infrastructure projects na napinsala sa Albay ay ang Pio Duran Road.

Samantala, baha pa rin sa mga bayan ng Oas, Polanggui, at Libon habang wala pang kuryente sa Pio Duran.

Nauna nang nagpulong ang provincial government nitong Linggo upang talakayin kung paano ipamamahagi ang P50 milyong tulong na ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at paghahanda sakaling tumama si Leon sa lugar.

“Ang pinaka-basic need ng Albayanos po na affected ng Typhoon Kristine, ‘yung pagkain. Preferably ready to eat, although pwede din naman po ‘yung mga food packs, and water,” pahayag ni Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) chief Maria Vivien Cea. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here