MANILA, Philippines- Instant milyonaryo ang isang mananaya sa lalawigan ng Bulacan makaraang mahulaan nito ang winning combination ng UltraLotto 6/58.
Inihayag ng Philpippines Charity Sweepstakes Office, na nabili ang winning ticket mula sa isang outlet sa San Jose Del Monte, Bulacan na may kombinasyon na 07-24-13-16-10-02 at premyong P321,384,493.02.
Samantala, nasa 100 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P120,000.00 makaraang makakuha ng limang kombinasyon.
Inasahan naman na aakyat sa P8.9 milyon ang jackpot sa MegaLotto 6/45 habang ang GrandLotto 6/55 ay tianatayang aabot sa P8.3 milyon.
Ang UltraLotto 6/58 ay binobla tuwing araw ng Martes, Biyernes at Linggo. Toto Nabaja