Home OPINION POLITIKONG UTAK-ALIKABOK MAMAHAGI KAYA NG TULONG?

POLITIKONG UTAK-ALIKABOK MAMAHAGI KAYA NG TULONG?

156
0

SUNOD-SUNOD ang tulong na ipinaabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lalawigan ng Bicol particular sa Naga City, Camarines Sur upang maipakita ang walang patid na aksyon ng pamahalaan para sa mga biktima ng Severe Tropical Storm Kristine na may international name na Trami.

Trak-trak na bigas at mga pagkain ang ipinahatid ni Pangulong Bongbong sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development, National Food Authority at Food Terminal Incorporated.

Take note, ang bigas na ipinadala ng Pangulong Marcos ay mula sa Kadiwa kaya naman makikitang talagang nagtatrabaho ang pamahalaan o ibig sabihin ay may stock talaga lalo na sa biglaang pangyayari tulad ng pananalasa ng STS Kristine.

Kaya ang mataas na presyo ng bigas ay hindi pwedeng samantalahin ng mga negosyante dahil may nakalaang ‘stock’ ang gobyerno.

Pero hindi ito ang punto ng inyong Juan De Sabog. Ang hinihintay ng marami lalo na ng kritiko ng isang politiko na ang hangad ay pumalit sa Pangulong BBM, ay ang kanyang pamamahagi ng plastik-plastik na bigas na may pangalan niya sa labas ng supot.

Ngayon kailangan ng mamamayan lalo na ng mga Bikolano ang tulong o ang mga ipinamamahaging pagkain tulad ng bigas, de lata, noodles, at iba pa kasama ang malinis na tubig.

Kaya lang, baka nga nagbago ang isip sa pamimigay  nitong politiko dahil bakit nga naman niya mas lalong pasisikatin ang politikong namamahagi na ng tulong at sikat na sa bansa dahil sa walang kapagurang pag-aasikaso sa kanyang mga kababayan?

Siyempre, daraan nga naman sa politikong makakasagupa niya sa ilang taon na lang, ang mga tulong at dahil “utak alikabok” ang namamahay sa pag-iisip nitong politiko  baka hindi nitong maisipang tulungan at mas pasikatin pa ang makakaribal niya sa pulitika sa 2028 presidential elections.

Malayo pa man, pero tiyak na inaagiw na ang utak ng politiko at pinagpaplanuhan na kung paano siya sisikat at malalaos naman ang kanyang makatutunggali. Manipis talaga ang utak lalo na ang pag-uugali.

Ang dapat at tamang gawin ay unahin muna ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan dahil ang mga ito ang boboto at magdedesisyon ng kapalaran ng mga politiko na maluluklok sa posisyon.

Mga kababayan, huwag muna nating isipin sana ang ukol sa pulitika sa halip ay isipin natin kung paano nating matutulungan ang mga biktima ng kalamidad na muling bumangon mula sa pagkakalugmok sa kahirapan dala ng pinagdaanan sa buhay dahil sa bagyong Kristine. Tulungan natin silang umangat muli sa buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here