MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagiging matigas at pagsasabing hindi siya hihingi ng paumanhin sa pagpapatupad ng war on drugs, sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, Oktubre 28 sa congressional hearing na siya ay aako ng “full, legal” responsibility” sa naturang usapin.
Sa pagsasalita sa harap ng Senate blue ribbon subcommittee, hiniling ni Duterte sa panel na ituring siya bilang “witness.”
Idinipensa niya ang mga pulis na nagsagawa ng drug war, at sinabing inaako niya ang buong responsibilidad para sa mga drug war killing sa kanyang administrasyon.
“I and I alone, take full legal responsibility sa lahat ng nagawa ng mga pulis pursuant to my order. Ako ang managot at ako ang makulong. ‘Wag ang pulis na sumunod sa order ko. Kawawa naman, nagtatrabaho lang,” ani Duterte.
Sinabi pa ng dating Pangulo na isinagawa niya ang madugong war on drugs para protektahan ang mga Filipino.
Ginawa umano niya ang kanyang makakaya para sugpuin ang problema ng droga sa bansa, “firmly and without compromise.”
“My mandate as President of the Republic was to protect the country and the Filipino people. Do not question my policies because I offer no apologies, no excuses. I did what I had to do. Whether you believe it or not, I did for my country,” ani Duterte.
“The war on drugs is not about killing people. It is about protecting the innocent and the defenseless. The war on drugs is about the eradication of illegal substances such as shabu, cocaine, heroin, marijuana, party drugs, and the like,” dagdag pa niya.
Sinabihan din niya ang mga pulis at sundalo na huwag abusuhin ang kanilang kapangyarihan, Kahit na noong siya ay mayor pa ng Davao City at nang maging Presidente siya.
Sa kabila nito, ipinunto niya na responsibilidad ng pulis na “overcome the resistance” kung ayaw sumuko ng mga kriminal.
“At kung may baril, at kung sa tingin mo ay mamamatay ka, barilin mo. Barilin mo sa ulo. Patayin mo. At least one less criminal in the community. ‘Yun ang utos ko when I was a fiscal and when I was a professor sa police academy,” ani Duterte.
Dagdag pa, nakikita niya rin umano ang mga taong adik sa illegal na droga bilang mga biktima at pasyenteng nangangailangan ng tulong-medikal.
“No mistake about it, I hate drugs. I loathe the purveyors, the merchants, and the pushers of this demonizing element. I have not failed to emphasize this from the very day of the campaign when I ran for the presidency in 2016. This was my covenant to Filipinos who believed in me.”
Sa datos ng pamahalaan, mayroong 6,200 drug suspects ang napatay sa mga operasyon ng pulis mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021.
Sa kabila nito, sinasabi ng ilang human rights group na posibleng umabot pa ng 30,000 ang totoong bilang ng mga nasawi. RNT/JGC