Home HOME BANNER STORY Tokhang ‘di dapat ipagmalaki – Hontiveros

Tokhang ‘di dapat ipagmalaki – Hontiveros

MANILA, Philippines – Sinupalpal ni Senador Risa Hontiveros, sa pagsisimula ng imbestigasyon ng Senate blue ribbon subcommittee, ang war on drugs ng Duterte administration sa pagsasabing hindi dapat ipagmalaki ng mga Filipino ang pagpapatupad ng naturang programa.

Sa opening statement, iginiit ni Hontiveros na si dating Pangulong Rodrigo Duterte “will be taken at his word,” patungkol sa mga dati niyang inabi na handa siyang pumatay para laman sa kapayapaan at kaayusan.

Ani Hontiveros, dapat na marinig ang kwento ng mga biktima ng war on drugs.

“Sa lahat ng nagsasabi na ang war on drugs ay parusa daw para sa mga naliligaw ang landas, my message to you is this: There is no honor in punishment like tokhang,” sinabi ni Hontiveros.

“It should not be an honor to be called ‘The Punisher,’ when thousands of innocent people, including babies, have died in your name. Hindi kailanman ipagmamalaki ng mga Pilipino ang war on drugs na yan,” dagdag ng senador.

Ang Oplan Tokhang ay bahagi ng anti-drugs campaign ng pulisya kung saan nagbabahay-bahay ang mga pulis at himukin ang mamamayan na itigil na ang paggamit ng illegal na droga.

Sa datos ng gobyerno ay mayroong 6,200 drug suspets ang napatay sa mga operasyon ng pulisya mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021.

Sinabi naman ng human rights groups na posibleng umabot pa sa 30,000 ang mga nasawi rito. RNT/JGC