Home ENTERTAINMENT Matteo, bumati kina Derek at Ellen, naurutang ‘buntisin’ na si Sarah!

Matteo, bumati kina Derek at Ellen, naurutang ‘buntisin’ na si Sarah!

98
0

Manila, Philippines – Ibinahagi ni Derek Ramsay ang piktyur niya habang tuwang-tuwa na pinagmamasdan ang bagong silang na baby girl nila ng misis niya na si Ellen Adarna, sa kanyang Instagram story.

Isinilang ang baby girl ni Derek noong Miyerkules nang gabi.

Syempre, waley pa muna pa-reveal ng face ng first baby girl, both for Derek and Ellen, sa socmed.

Pero may pinost din na piktyur si Derek sa misis niya kasama si Elias at ang baby girl sa loob ng hospital room.

Naka-hospital gown pa ang misis ni Derek habang karga ang bagong silang sa ibabaw ng kama.

Natakapan ng braso ng misis ni Derek ang mukha ng baby. Nasa gilid naman ng kama si Elias na nakasuot ng face mask.

Pero kitang-kita sa piktyur ang skin ng baby girl nina Derek at Ellen.

Pulang-pula ang skin ng baby at mukhang nagmana ang first child ng mag-asawa kay Derek.

At walang masama kung kay Derek man magmana ng skin color ang baby girl nila ni Derek, ‘noh.

Caption ni Derek, “My world keeps better and better! #houseofdragons.”

Nag-comment ang celebrity friends ng celebrity couple sa IG post ni Derek.

“Love your growing family . Scorpio, Dragon so blessed,” comment ni Dra. Vicki Belo.

Kinongratulayt si Direk bina Luus Manzano, Carmen Soo, Vina Morales at Matteo Guidicelli.

May nag-reply na netizen sa pagbati ni Matteo kay Derek.

“Gawa na rin kayo sir Matt ni idol Sarah.”

“Sana magka-anak kayo ni Asher.”

“Kayo na din sana ang susunod.”

‘Yun na. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here