MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senate President Francis Escudero said on Mondayna hihimayin sa deliberasyon sa plenaryo ang panukalang badyet ng Marcos administrasyon sa flood control programs sa 2025 upang matiyak na makatutugon ito sa paglalaban sa climate change.
Sa pahayag, sinabi ni Escudero na ganito ang posibleng mangyari sa plenaryo base sa nakaraang pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol Region na lubhang sinalanta sa alinmang rehiyon sa buong bansa.
Aniya, tumataas ang badyet sanhi ng mas mataas na gastusin sa climate adaptation dulot ng tumataas na antas ng dagat at baha.
“Kaya ang budget ng Pilipinas ay unique. Disaster is becoming a de facto macroeconomic assumption. That is a given in the world’s most calamity-prone nation,” aniya.
Nitong 2023, umabot sa P291.2 bilyon ang pondo sa flood control projects, na lumobo sa PHP353 billion nitong 2024.
Sa panukalang 2025 national budget, aabot sa P303 bilyon ang inilaan para sa flood control sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni Escudero na kahit itinaas ng Marcos administration ang flood mitigation budgets, lumutang ang kuwestiyon kung sapat ang pondo upang tuguan ang pagbabago ng klima sanhi ng kolektibong pagpapabaya ng nakaraang administrasyon.
“Moving forward, however, we will not only exact accountability but also make sure the 2025 budget will provide preventive measures to avoid a recurrence as well as adequate rehabilitation and response in case of a similar calamity in the future,” aniya.
“Disaster response should not depend of people’s resiliency alone, but also on government response. But disaster response is not the government’s duty alone, it is the responsibility of the whole nation. Pagdating ng baha, iisang bangka tayo,” dagdag ni Escudero.
Ipinananawagan naman ni Senador Joel Villanueva na lumikha ng integrated and comprehensive master plan upang tugunana ng pagbaha at ibang epekto ng kalamidad.
“Ang ating bansa ay rank as number one globally in two consecutive years na in terms of disaster risk dito sa World Risk Index. Kaya siguro it’s about time na pagtuunan natin ito ng pansin,” ayon kay Villanueva sa virtual press briefing.
Kailangan umanong suriin ng Senado kung paano ginagastos ng pamahalaan ang badyet para sa flood control at epekto nito sa komunidad. Ernie Reyes