Home METRO 15-anyos binugbog ‘gang sa mapatay ng SK kagawad sa Maynila

15-anyos binugbog ‘gang sa mapatay ng SK kagawad sa Maynila

196
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang Sangguniang Kabataan (SK) Kagawad dahil sa pambubugbog sa isang 15-anyos na estudyante sa Sta. Ana, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dumulog sa barangay ang biktima kasama ang kanyang kaibigan upang ireklamo ang naunang pananakit ng SK Kagawad sa kanilang kaibigan na isa ring menor de edad.

Sapul sa CCTV ang dalawang suspek kung saan isa nga rito ang SK Kagawad na lumapit at sinapak ang biktima.

Tumakas ang dalawang menor de edad ngunit hinabol sila ng SK Kagawad at kasamahan nito.

Inawat naman ng ilang opisyal ng barangay ang mga suspek ngunit huli na ang lahat at wala nang malay ang biktima.

Dito kaswal na umalis ang SK Kagawad at kasama nito habang isinugod sa ospital ang biktima na idineklarang dead on arrival.

Sa autopsy report, namatay ang biktima dahil sa traumatic head injury.

Sinasabing binastos umano ng grupo ng biktima ang girlfriend ng SK Kagawad na hindi naman pinaniwalaan ng ina ng biktima dahil sinasabing nakasuot ng pula ang mga nangbastos samantalang nakasuot ng puti ang kanyang anak na biktima sa pambubugbog.

Nais ng pamilya ng biktima na managot ang mga opisyal ng Barangay dahil hindi umano nila tinulungan ang biktima nang nag-report ito sa kanila. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here