Home ENTERTAINMENT Book 2 ng serye ni Ruru, inalmahan!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Book 2 ng serye ni Ruru, inalmahan!October 29, 2024 17:312140 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Parang malagihay ang pagtanggap ng ilang netizens kay Ruru Madrid.Kunsabagay, hindi lang naman ang mga netizens ang kumukuwestyon sa pagpapahalagang ibinibigay ng GMA sa aktor.Hindi nga ba’t idinaan pa sa blind item ni Lolit Solis ang hanash niya comparing her artist Paolo Contis?Between the two actors ay mas maraming projects si Ruru.Katwiran ni Lolit, ‘di hamak naman daw na mas mahusay si Paolo kesa sa aktor na “R” lang ang ginamit niyang form of address.Whatever, hindi kasalanan ni Ruru kung sunud-sunod man ang kanyang mga projects.Parang ang hanash ni Lolit ay nag-rub off sa ilang netizens.Inalmahan kasi ng mga ito ang nakapila nang TV assignment ni Ruru.“Ruru na naman?!” reklamo ng mga ito.Ito’y matapos i-release ng GMA ang ulat na under way na ang Book 2 ng Lolong series ng aktor.Pinamagatang Lolong: Ang Unang Luha ng Atubaw, next year pa ito mapapanood.Bakit daw si Ruru na naman samantalang kelan nga lang nagtapos ang kanyang Black Rider?Puwera pa rito ang MMFF entry ng GMA Pictures na Green Bones kasama si Dennis Trillo.Nagkaroon nga ng appreciation post si Ruru para sa pagkakasama niya sa MMFF.Aniya, katuparan daw ‘yon ng kanyang pangarap na makasali sa kauna-unahang pagkakataon sa taunang festival via his first lead role.Bukod dito’y ang makatrabaho ang hinahangaan niyang si Dennis.At higit lalo ang maidirek ng premyadong si Zig Dulay mula sa materyal ng National Artist na si Ricky Lee.At isa lang ang tiyak–may hanash na naman si Lolit Solis!Eh, sa masuwerte si Ruru… can the talent manager argue with success? Ronnie Carrasco III