Home OPINION PATAY KAY KRISTINE ‘WAG ULITIN KAY LEON

PATAY KAY KRISTINE ‘WAG ULITIN KAY LEON

198
0

SA huling ulat ukol sa mga namatay kay bagyong Kristine, nasa 125 lahat.

Mayroon namang mahigit 40 na missing na hanggang ngayo’y hindi pa natatagpuan kung buhay pa o patay na.

Kung pagsamahin ang 125 patay at mahigit 40 nawawala, mabigat na pangyayari o kalagayang ito.

HUWAG NA SILANG DAGDAGAN

Ngayon naman, sinasabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na maaaring aabot sa signal number 5 o super typhoon si bagyong Leon na nasa norteng Luzon sa araw na ito.

Ngunit habang tinitipa ito, nasa signal number number 3 pa lang ito sa labas ng kalupaan ng Pinas bagama’t ang signal number 1 nito ang nakataas sa maraming lugar sa Luzon at Kabisayaan.

Sakop ng signal number 1 ang Batanes, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, silangang bahagi ng Kabikulan at silang bahagi ng Northern at Eastern, Samar.

Magkakaroon naman ng mga pag-ulan sa Minadanao, Visayas at kanlurang bahagi ng Luzon dahil sa paghatak dito na lumabas nang bagyong Kristine.

Magkakaroon naman ng mga bugso ng hangin at pag-ulan ngayon hanggang Biyernes sa Bataan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Dinagat Islands.

Malakas na ulan ang kakambal ng mga hangin ni Leon kaya tama lang ang babala ng PAGASA na mag-ingat lahat.

Alam naman na natin na ang malakas na ulan ang lumikha ng mga katakot-takot na ulan sa Kabikulan na ikinamatay ng halos 40  at landslide sa Batangas na ikinamatay ng nasa 54 katao sa ilalim ni Kristine.

Sana hindi na madagdagan ang bilang ng mga ito.

BABALA SA NORTHERN LUZON

Nakatuon higit ang babala ng PAGASA sa pag-iingat sa northern Luzon na maaaring haplitin nang matagalang pag-ulan sa bagal ng bagyong Leon na umalis sa bansa sa bilis na 10 kilometro lamang sa loob ng isang oras.

Hindi lamang ang mga residente ang binabalaan kundi ang milyon kataong maglalakbay patungong norte kaugnay ng Undas.

Kasagsagan ng paglalakbay ng mga mamamayan para sa Undas simula sa hapon ng darating na Biyernes at aabot yan sa Linggo at Lunes.

Alalahaning hanggang Biyernes ang pananalasa ng bagyong Leon na kung talagang maulan, lilikha ng baha sa kung saan-saan.

At maaaring lilikha rin ng mga landslide.

Muli, parehong pumapatay ng maramihan ang baha at landslide gaya nang nangyari sa Kabikulan at Batangas na hanggang ngayon ay nagluluksa pa.

MAGBANTAY LAGI

Napakarami ang mga pagkukunan ng impormasyon sa mga anunsyo ng PAGASA ukol sa bagyong Leon, ulan, baha at landslide.

Naririyan ang mga diaryo, radio, telebisyon, online news at social media.

Naririyan din ang mga anunsyo ng National Disaster Risk Reduction Management Council at local government units.

Kapag aktibo tayo sa pagbabasa, pakikinig at panonood ukol sa lagay ng panahon, malamang na magabayan natin ang ating mga sarili sa mga darating na sakuna at maligtas tayo rito.

O mag-ingat lahat kay bagyong Leon at mga lilikhain nitong mga baha at landslide.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here