Home NATIONWIDE Davao City Police ‘no comment’ sa Davao Death Squad

Davao City Police ‘no comment’ sa Davao Death Squad

228
0

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagiging bukas sa imbestigasyon ngunit pinili ng Davao City Police Office (DCPO) na huwag magkomento sa naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado na mayroon itong death squad noong alkalde pa ito ng Davao City.

“Ang Davao City Police Office, sir, hindi ako mag-comment patungkol sa Davao Death Squad dahil patuloy pa ang imbestigasyon… pero bukas ang Davao City Police Office para sa anumang imbestigasyon,” ani P/Cpt. Hazel Tuazon, Tagapagsalita ng DCPO.

Ang sinasabing death squad ay sinasabing responsable sa pagpatay sa mga drug suspect sa Davao City at ang modelong ginamit sa drug war noong termino ni Duterte bilang Presidente.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon sub-committee noong Oktubre 28, 2024, sinabi ni Duterte, isang resource person:

“Meron akong death squad. Death squad, pito, pero hindi ito mga pulis. Sila rin yung mga gangster. Yung isang gangster utusan ko: Patayin mo yan kay kung hindi mo patayin yan, patayin kita ngayon,” anang dating Pangulo.

Hinimok ni Senador Riza Hontiveros ang dating Pangulo na ibunyag ang mga pangalan ng mga dapat umanong miyembro.

Sinabi ni Duterte na maaaring lahat sila ay namatay na.

“Mukhang patay naman sila lahat ma’am,” tugon ni Digong.

“Ayos lang, sir. Ano po ang mga pangalan nila?” pagpilit naman ng senadora.

Sagot ni Duterte: “Ako ngayon ay 73. Para sa buhay ko, hindi ko matandaan ang pangalan.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here