Home NATIONWIDE Ex-news exec ng TV5 kinasuhan sa pagmolestya sa empleyado

Ex-news exec ng TV5 kinasuhan sa pagmolestya sa empleyado

150
0

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamong Acts of Lasciviousness sa Department of Justice ang National Bureau of Investigation Violence Against Women and Children Division at isang dating researcher ng TV5 laban sa dating news executive na si Cliff Gingco.

Dumulog ang biktima sa NBI matapos na umanoy molestoyahin ni Gingco sa isang motel habang lasing.

Sa kanyang affidavit, sinasabi ng biktima na inimbitahan siya ni Gingco na nag-inuman sa isang restaurant noong Àgosto upang talakayin ang kanyang pangarap na maging reporter.

Pinatawag ng NBI si Gingco noong Setyembre , na itinanggi ang lahat ng alegasyon. Gayunman, hindi rin Siya nagsumite ng kanyang counter-affidavit sa NBI at tumangging sagutin ang mga katanungan mula sa media.

Tinanggal si Gringco ng naturang network matapos ang imbestigasyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here