Home HOME BANNER STORY Expanded number coding suspendido Okt. 31 ‘gang Nob. 1

Expanded number coding suspendido Okt. 31 ‘gang Nob. 1

132
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde na ang expanded number coding scheme sa Metro Manila mula Huwebes, Oktubre 31, hanggang Biyernes, Nobyembre 1, bilang obserbasyon ng All Saints’ Day at All Souls Day, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority.

“Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Oktubre 31, Huwebes, upang bigyang-daan ang mga bibiyahe sa paggunita ng #Undas at long weekend,” anang MMDA sa isang abiso.

Samantala, sususpindihin din ng Makati City ang number coding scheme nito sa Huwebes simula 12:00 p.m. alinsunod sa pagsususpinde ng trabaho sa gobyerno.

Sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa mga opisina at klase ng gobyerno sa lahat ng antas mula tanghali noong Oktubre 31, 2024, upang payagan ang mga empleyado na bumiyahe papunta at mula sa mga probinsya para mag-obserba ng Undas.

Ang All Saints’ Day sa Nob. 1 at All Souls’ Day sa Nob. 2 ay idineklara bilang special non-working days. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here