Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa socmed ang pagsasama ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at ng PPop megastar na SB19 sa isang concert. Nangyari ito sa Bacolod, sa Puregold Sari-sari Store MassKaravan at Concert.
Ang pagdiriwang na ito ay dinala mismo ng Puregold sa MassKara Festival na idinaraos taon-taon at dinarayo ng libo-libong mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Mahigit-150,000 ang dumalo upang makisaya at manood sa mga bigating musikero.
Mas pinatingkad ng organizer ang mga kulay at maligayang awra sa taunang pista.
Ipinagdiwang ito sa Bacolod City Government Center, at naengganyong dumalo ang mga loyalistang miyembro ng Puregold at mga tagasubaybay ng lokal na musika, upang mapanood kina Skusta at Flow G, at ng SB19.
Tumugtog din ang opener ng concert, sina Project Juan at Esay.
“Layunin ng organizers at sponsors ang itampok ang boses ng mga talento sa lokal na eksena,” sabi ng Presidente ng Puregold na si Vincent Co.
“Masaya kaming dalhin ang mga talentong ito sa isa sa mga kabigha-bighaning pista ng ating bansa, ang MassKara sa Bacolod. Nagpapasalamat kami sa mga dumayo upang makisaya sa konsiyerto,” dagdag pa niya.
Kitang-kita sa mga A’Tin ang kanilang pagkamangha at saya sa panonood ng SB19 sa Bacolod City Government Center.
FYI, open sa publiko ang nasabing concert.
Dagdag pa rito, marami ring masuwerteng nanalo ng mga VIP pass na ipinamigay ng mga partner brand ng organizer. Marami ding mga giveway ang nag-abang sa Perks at Aling Puring members. JP Ignacio